Angela Merkel

From Wikipedia
Jump to: navigation, anapen

Ipatalos yo pa ya ed salitan Pangasinan. Sarag yon dagdagan o bawasan. Salamat.


Angela Merkel

Si Angela Dorothea Merkel (ipinanganak noong Ika-17 ng Hulyo 1954, sa Hamburg, West Germany), ay ang Kansilyer ng Alemanya. Si Merkel, nahalal sa Parlamentaryo ng Alemanya mula sa Mecklenburg-Vorpommern, ay naging tagapangulo ng Christian Democratic Union (CDU) mula Ika-9 ng Abril taong 2000, at Tagapangulo ng grupo ng partidong pangparlamentaryo na CDU-CSU mula 2002 hanggang 2005. Siya ang namumuno sa Grand coalition na may kaakibat na Partido politikal, ang Christian Social Union (CSU), at sa Social Democratic Party of Germany (SPD), na nabuto matapos ang 2005 federal election noong Ika-22 ng Nobyembre 2005.

Taong 2007, si Merkel ay naging Pangulo ng European Council at tagapangulo ng G8. Malaki ang naging papel niya sa negosasyon sa Treaty of Lisbon at sa Berlin Declaration. Gayun din naman sa mga polisiyang pangdomestiko, kalusugan at mga problema sa pagpapaunlad ng enerhiya.

Si Merkel ang unang babaeng Kansilyer ng Alemanya. Itinuturing siyang pinakamakapangyarihan babae sa buong daigdig sa kasalukuyang panahon ng Forbes Magazine. Taong 2007 naging pangalawang babae siya na naupo bilang tagapangulo ng G8 sumunod kay Margaret Thatcher.

Taong 2008 nakamit niya ang Charlemagne Prize "para sa kanyang mga hakbang na ireporma ang Unyong Europeo". Ang gantimpala ay iprinisenta ni Nicolas Sarkozy.